Sunday, July 22, 2012

ANG ACCOUNTING *bow

Nagbibigay kaba at di kasiguraduhan,
Nakakadepress pag di makuha.
Kasabay ang makapal na libro,
Hulaan mo nga?
ACCOUNTING NAJUD ITO!

Nung unang taon ko sa kursong ito,
Chill lang. Kinakaya naman
Pang gabi pa naman ang sked ko nun
Nababaguhan, pero keribells naman

OO, may stress nga noon
Ngunit nagagawa ko pang lumabas at magparty nun
Komportable at confident pa nga kung sumagot
Alam ko, NOON pa yun

Ngayong pangalawang taon sa BSA
Tila bago ang lahat
Pinapahirapan ang bawat isa
Ika nga ISASALA talaga ang lahat

Masaya naman pumindot sa Calculator,
Lalo na kapag tama at balance ang sagot mo.
Satisfaction na yun para sa min
Mahirap kayang tumingin at magcompute ng tamang figures

Kung tatanga ka,
Siguradong bagsak ka.
Aral at analysis lang kelangan, sabi nila,
Oo uy, ginagawa namin yan, stress nga lang dulot nyan.

Masasabi kong naging OC na ako,
Dahil sa paulit ulit na pagcheck sa sagot ko.
Accounting book na rin kaharap ko,
ACCOUNTING NAJUD!

Ang accounting nagbibigay din ng sakit ng ulo,
Kaya walang relax relax kung gugustuhin mo
Eyebuggs pa ang dulot nito,
mga GAHOT kasi ang mga tao dito.

Akala ko rin, baliw na ako
Kasi kung mag-aaral ako, nagsasalita ako sa sarili ko.
Minsan pa nga'y kapag natutulog, Dr at Cr nasa utak ko
Buti nalang sabi ni Sir Fuentes, being crazy is normal when studying,
Nalaman ko ding, di ako nag-iisa sa sitwasyon ko, 
Ganun din pala ang kapwa 2G ko!

Ngunit kagabi, kaka-exam lang namin. 
Akala ko magiging madali dahil 3 hours nga.
Sa totoo lang, kulang pa ang 3 hours!
Pambihira, SHORT PROBLEMS ang caption,
Ngunit ang computation, WAGAS! just for 2 points?!

Accounting, please cooperate,
Learned lesson na: Di magmadali and di magkumpiyansa,
Share ko bagong motto ko,
"Take things slowly and surely you'll get it."

Pag mapasa nako ning Fin Acc 2&3,
Promise, EVIL LAUGH JUD KO!
Siyempre, proud ta kay nakalusot ta.
Oh I can imagine the feeling.
Diba mga, 2nd year gahot?!

Ngunit mangyayari lamang yan
Kung may tiwala ka lang.
Tiwala sa sarili, na kakayanin ang lahat.
Of course, by doing your part.
At tiwala sa Diyos, na tutulong sayo in everything you do.
Always be thankful and be blessed.
Para pasado sa Accounting! :)


Kudos, 2nd Year! Gahot.
Le Accounting Book *bow
`original cannot be replaced.