Tuesday, June 12, 2012

Bye Summer. Hello School!

Huling araw ng pagsasaya,
Katapusan na ng ligaya.
Nalalabing oras sa harap ng computer at tv
Hawak at pindot mo ng cellphone, 24/7
Sa kalambutan ng kama na may aircon pa
Lahat ng ito ay mawawala paunti-unti
Dahil bukas, unang araw na pala ng pasukan!

Dahil nga't last day ng summer na,
Naremember ko ang feeling na walang pinoproblema
Walang libro, notebook na kaharap at hawak-hawak
Sana ganun na lamang
Pero biro lamang,
Natatakot naman akong maging tambay na lang!

Pero sa summer kong ito,
Masasabi kong nag-enjoy ako.
Pabalik-balik lang sa Samal ang peg ko
Sa tingin ko ganun din kayo.
Alam mo ba san ang Samal?
Kung hindi, sorry sa Davao lang yan matatagpuan.
Pasensya na't naisingit ko ito,
Nagiging proud lang.
Dahil nga't It's more fun in the Philippines.
And Davao is in the Philippines.

Noong summer pa, naalala ko lang,
Parang pasan ko na ang mundo sa mga problema ko.
Unang problema ko, MISS KO NA CLASSMATES KO.
Pangalawa, ANO ANG GAGAWIN KO SA ARAW NA ITO?
Pangatlo, PAANO MAGPAPAALAM KAY MAMA SA GALA MAYA?
Pang-apat, MAY NATIRA PA BA AKONG PERA?
Panglima, NAKAKABAGOT NAMAN ANG BUHAY WALANG GINAGAWA.
Ang pang-anim, di ko alam, walang pumasok sa ulo ko, problema din ba yun?

Ayun, nakaisip ako ng problema ko nung summer
May mga araw na bored na ako
Napaisip tuloy ako nun, sana malapit na ang pasukan.
Iba kasi talaga pag klase na,
May ginagawa ka lagi,
May maiisip kang gawin pagkatapos ng unang ginawa mo
May inspirasyon kang nakikita sa mundong ginagalawan mo
Yun nga lang sakit naman ang ulo sa kaka-aral
Parang ang laki ng problema ko noh?
Ganun din ata sa inyo.

Kaya sabi ko sa sarili ko, dapat prepared ako
Natulog ako ng natulog
Relax, relax pa ang naisip ko.
Rest and Recreate nga ang kelangan ika ng Psychology teacher ko
Naalala ko pa, report ata ni Lim yun o kung hindi, kay Rosel ata yun
Yun nga, parang na achieve ko naman
Hinayaan ko lahat ng problema ko

And the day has come
Dahil bukas, unang araw na pala ng pasukan!
Lahat ng problemang yan,
NATAPOS na!
Patapos na ang summer eh.
Actually tapos na, kung babasehan sa buwan
OO nga tapos na
Akala ko tapos na lahat ng problema
Pero mas may malaking problema,

Dahil bukas, unang araw na pala ng pasukan! *drools


YO! M4 Loves. See you around.



2 comments:

  1. makaiyak man to irish..ganda ng tula tula mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Justine talaga,nambiro pa hahaha SEE YOU AROUND :))))

      Delete