Wednesday, May 9, 2012

Mga W-O-W ni Barbs

Ang sakit ng sitwasyong iniwan ka
Di kadali kapag ikaw ay iniwang mag-isa
Di mo alam san ka magsisimula.
Feeling mo wala ka ng magagawa

Mga araw na ika'y napapaisip
Kinakausap, tinatanong ang sarili
Ngano? Bakit man uy? Unsay mali?
Naiiyak na lang sa tabi

Ngunit makakahanap ka ng mga totoong kaibigan
Mga willing na magbigay ng oras sayo
Pakikinggan ka ng paulit-ulit sa kwento mo
Nakakairita na ngunit anjan pa rin dahil mahal ka nila

Ang iba, pinagagalitan ka sa mga paulit-ulit na pag-iyak mo
May mga kaibigan ring nakasuporta lang sayo
Ang iba'y tahimik na puro "okay lang yan" "oras lang kelangan nyan"
But despite that, TOUCHING pa rin.
Nakaktaba ng heart, nakakalakas ng loob :)

Sa prosesong MOVING ON mo, may mas makikilala ka
Yung di mo gaano close ngunit kung maka-super open arms, WAGAS
Sa tingin ko sa mga nakaranas nito, kilala nyo na sino to
Diba, si BRO na nagbibigay ng sagot sa mga unlimited tanong mo :')

Ang sarap sa feeling no?
Nakakagaan ng loob.
Mga di mo pang inaasahang tao,
Ay yun pa ang tunay na nagmamahal sayo

Kahit ano pa ang sitwasyon mo,
Heartbroken from a relationship o crush lang
Pag-iwan ng kaibigan o bestfriend
Okay lang yan, di pa end of the world because of that

Hanapin ang sarili, mahalin ang sarili
Trials lang yan, at marami pang magyayaring ganyan
Ganyan talaga ang buhay, people just come and go
Ngunit pakakatandaan...
WAG MAGTANIM NG SAKIT NG LOOB
Promise, pustahan pa tayo TATAWANAN MO LANG YAN SA KINABUKASAN :)







1 comment:

  1. the great thing about poetry, is that the words can flow without restriction and still carry a certain charm.

    ReplyDelete